Layunin ng PG&E na bawasan pa ang mga panganib ng mabilis na kumakalat na sunog at panatilihing ligtas ang aming mga kostumer at komunidad na sineserbisyuhan. Alamin ang tungkol sa aming mga hakbang sa kaligtasan, kasama ang kung paano kayo maaapektuhan ng isang Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (Public Safety Power Shutoff, PSPS).
Alamin ang magagawa ninyo ngayon para mapaghandaan ang tumitinding panganib ng mga mabilis na kumakalat na sunog, at alamin rin ang ginagawa ng PG&E para maiwasan at mapaghandaan ang mga mabilis na kumakalat na sunog. Sumali sa webinar ng PG&E sa kaligtasan sa wildfire o mabilis na kumakalat na sunog.
Sa oras ng mabilis na kumakalat na sunog na umaapekto sa serbisyong PG&E, tumanggap ng pinakabagong impormasyon. Bukod rito, gamitin ang aming mapa para alamin kung aling mga lugar ang apektado.
Alamin ang impormasyon tungkol sa pagbabalik ng koryente at proseso ng muling pagbangon.
Alamin ang tungkol sa karagdagang mga hakbang sa pag-iingat na ginagawa namin para lalo pang mabawasan ang mga panganib sa wildfire at matulungang maging ligtas ang mga kostumer at komunidad na sineserbisyuhan namin.
Kapag ipinahayag na magkakaroon ng malakas na hangin at may kalagayan ng pagkatuyo, kasama ng mataas na panganib ng sunog, posibleng kailangan naming patayin ang koryente para sa kaligtasan.
Lalo kaming nagsisikap para ilayo ang mga puno at sanga sa mga kable ng koryente sa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog.